Problema sa illegal drugs, natalakay sa pulong nina Pangulong Duterte at India PM Modi

By Rohanisa Abbas January 26, 2018 - 12:00 AM

 

Tinalakay nina Pangulong Rodrigo Duterte at Indian Prime Minister Narendra Modi ang suliranin sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nagkasundo ang dalawang lider na seryosong problema ang iligal na droga.

Ipinahayag ni Roque na naniniwala si Modi na kinakailangang ang ugnayan ng iba’t ibang bansa para masawata ang iligal na droga.

Ayon kay Roque, kinakailangang matugunan ang usapin gaya ng pagtugon na ginagawa ng mga bansa sa climate change.

Dagdag ng opisyal, katunayan, inungkat ng Indian Prime Minister ang problema ng droga sa G13 Summit. Sinabi ni Modu na ginagamit ng drug traffickers ang kanilang kinikita para pondohan ang terorismo.

Samantala, lumagda ang Pilipinas at India sa isang Investment Facilitation Agreement.

Si Duterte ay bumisita sa India para sa Association of Southeast Asian Nations-India Summit.

Dadalo rin ang Pangulo sa paggunita ng ika-69 na Republic Day ng India.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.