Mamasapano massacre hindi na mauulit muli ayon sa Malacañang
Tiniyak ng Malacañang na hindi na mauulit ang malagim na sinapit ng apatnapu’t apat na kagawad ng Special Action Force na nasawi sa Mamasamano, Maguindanao may tatlong taon na ang nakakaraan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman tatlong taon na ang nakakaraan, nanatiling mailap pa rin ang hustisya para sa SAF 44 heroes.
Sinabi pa ni Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nangako na hahanapin niya ang katotohanan at papanagutin sa batas ang mga opisyal ng gobyerno na nagpain sa kamatayan sa SAF 44 dahil sa palpak na operasyon sa pagtugis sa international terrorist na si Zulkifli Bin Hir, Alyas Marwan.
Kasabay nito, hinimok ng Malacañang ang mga kagawad ng Philippine National Police na alalahanin ang kabayanihan ng kanilang apatnapu’t apat na kasamahan sa pamamagitan ng pagpapanatili sa integridad at katapangan habang tumutupad sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang bayan.
Hinimok din ng Malacañang ang publiko na mag-alay ng panalangin para sa SAF 44 pati na sa kanilang pamilya na hanggang ngayon ay nagluluksa at naghahanap pa rin ng katarungan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.