2 patay sa pagsabog ng granada sa La Paz, Abra; mag-asawang mayor at kongresista sugatan
(BREAKING) Patay ang dalawang pulis habang hindi bababa sa sampung katao ang nasugatan sa pagsabog na naganap sa bayan ng La Paz sa Abra.
Ayon kay SPO3 Robert Melarpis Mailed, kasama sa mga nasugatan si La Paz, Abra Mayor Menchie Bernos at mister nito na si Abra Rep. Joseph Sto. Niño Bernos.
Patay naman ang dalawang pulis na sina PO3 Carlos Bocaig at PO2 Frenzel Buneng Kitoyan.
Kasagsagan ng pagdiriwang ng town fiesta nang maganap ang pagsabog ng granada sa plaza ala 1:30 ng madaling araw na isinabay sa foreworks display.
Maliban sa mag-asawang Bernos sugatan din ang mga sumusunod matapos magtamo ng tama ng shrapnel sa katawan:
- Marc Rowjan Beronilla, 24-anyos
- Isang 17-anyos na estudyante
- Leyze Rose Pe Benito, 23-anyos na guro
- Darroll Azoi B. Gonzales, barangay captain sa South Poblacion, Bucay Abra
- Diosdado Mina, 18-anyos
- Jayson Bernabe T. Zales, 35-anyos
- Ryan Jun Camacho Marasan, 37-anyos
- Benedicto Doque Jr, 32-anyos
- Eva Marie Panagtay Sales, 38-anyos
- Juanito Sales, 37-anyos
- PO2 Richard Basiag, 41-anyos at nakatagala sa Danglas Police Staiton
- PSI Apdilon Galong ng La Paz Police Station
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.