Libu-libong iligal na istruktura, nakatakdang gibain ng Beijing

By Rhommel Balasbas January 25, 2018 - 12:28 AM

 

Magsasagawa ng malawakang demolisyon ang Beijing sa 15 square miles ng mga sinasabing iligal na istruktura sa buong lungsod.

Ang hakbang na ito ay maaaring magdulot ng pagkakaalis sa trabaho ng libu-libong migranteng manggagawa.

Noong Nobyembre ng nakataang taon, maraming establisyimento rin ang napabagsak ng gobyerno dahil sa umano’y paglabag sa safety code at nagbunga rin ito ng displacement ng mga manggagawa.

Ayon kay Beijing Acting Mayor Chen Jining, sisiguruhin nilang mga opisyal na hindi na madadagdagan pa ang mga iligal na istruktura sa lungsod at magpapatuloy ang relokasyon ng mga tao palabas ng city center.

Iginiit ng mga opisyal na ang kampanya ay upang mapaganda pa lalo ang Beijing.

Isasara ang ilang mga tindahan na may iligal na modipikasyon sa mga tradisyonal at makasaysayang mga istruktura.

Gayunman, maraming mga kritiko ang nagsasabing tinatarget ng gobyerno ang bahagi lamang ng ng populasyon na limitado ang karapatan.

Tiniyak naman ni Chen na magbibigay ang gobyerno ng pabahay sa mga maaapektuhan ng malawakang demolisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.