7 hikers na sanhi ng sunog sa Mt. Pulag, kakasuhan ng DENR

By Rhommel Balasbas January 25, 2018 - 01:45 AM

 

Inihahanda na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga kasong kriminal na isasampa laban sa pitong hikers na sanhi ng sunog sa Mt. Pulag sa Benguet.

Matatandaang umabot sa higit limang ektarya ng grasslands ang tinupok ng apoy matapos sumabog ang butane gas stove na dala ng mga hikers mula sa Cebu.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, malaki ang naging epekto ng sunog sa national park kaya’t gagawin ng kanyang opisina ang lahat upang panagutin ang mga responsable dito.

Ayon kay Cordillera Administrative Region Regional Director Ralph Pablo, maaaring maharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7586 o ang ‘National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act at Presidential Decree No. 75 o Forestry Reform Code of the Philippines ang pitong hikers.

Ang Mount Pulag na itinuturing na highest peak ng Luzon ay isang protected area at itinuturing ding forest reservation.

Dahil dito, ikinukonsidera ang sapilitang pagpapadala ng fire extinguishers sa mga gustong umakyat sa bundok.

Isasara rin sa loob ng anim na buwan ang naapektuhang bahagi ng Mt. Pulag sa mga hikers para sa rehabilitasyon at natural regrowth nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.