Paghahanap ng hustisya para sa SAF 44, ipagpapatuloy ng PNP

By Rohanisa Abbas January 25, 2018 - 12:30 AM

Hindi titigil ang Philippine National Police sa pagkamit ng hustisya para sa 44 na Special Action Force (SAF) commandos na nasawi sa January 2015 Mamasapano clash.

Ipinahayag ito ni PNP chief Director General Ronald dela Rosa isang araw bago ang anibersaryo ng madugong engkwentro.

Inalala rin ni Dela Rosa ang pakikinig sa testimonya ng survivors kung saan naging emotional aniya ito para sa kanya at sa iba pang miyembro.

Si Dela Rosa ay naging bahagi ng Board of Inquiry operational audit team.

Magugunitang noong January 25, 2015, nagsagawa ng operasyon ang PNP-SAF laban sa international terrorists na sina Zulkifli Bin-Hir alyas Marwan at Bassit Usman sa Barangay Tukanalipao sa Mamasapano, Maguindanao.

Napatay ng mga pulis si Marwan ngunit nauwi ito sa engkwentro ng pulisya, Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters, at iba pang armadong grupo sa lugar.

Nagresulta ito sa pagkasawi ng 44 SAF commandos, 18 myembro ng MILF at tatlong sibilyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.