Car plates distribution ipinamamadali ng Senado sa LTO
Pinamamadali nina Sen. Grace Poe at Sen. Ralph Recto ang pag-issue ng mga plaka ng sasakyan na matagal ng nakabinbin dahil sa inilabas na TRO ng Korte Suprema.
Ayon kay Poe, Chairperson ng Senate Committee on Transportation, dapat ay maglabas ang LTO ng target na timetable kung kailan talaga maipapamahagi ng mabilis ang mga plaka ng mahigit 700 libong sasakyan.
Paliwanag ni Poe, bagaman hindi rin kaagad mapupunan ng lifting ng TRO ang demand sa mga plaka, dapat umanong maipaalam sa mga motorista kung kailan tiyak na mairerelease ang mga ito.
Giit ni Poe, tinatayang higit isang milyong plaka ng kotse at iba pang four-wheel vehicles at motorsiklo ang kinakailangan base sa record ng sales ng mga sasakyan sa nakalipas na dalawang taon.
Samantala, iginigiit din ni Recto sa LTO na kaagad na irelease ang mga plaka ng mga motorista ng para sa 300 libong mga kotse at 400 libong motorsiklo.
Ayon kay Recto, long overdue na ang mga plaka na dapat ay noon pa naikabit sa mga sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.