DOH: Bilang ng mga nagkakasakit dulot ng ash fall sa Mayon volcano tumaas
Pinag-igting ng Department of Health ang pagpapa-aalala sa mga residente ng Albay na protektahan nila ang kanilang sarili laban sa banta sa kalusugan ng ash fall mula sa bulkang Mayon.
Ginawa ito ng DOH sa harap ng report na patuloy na pagdami ng mga nakakaranas ngayon ng acute respiratory infection sa lalawigan ng Albay.
Base sa kanilang tala, sa mahigit 900 residenteng nagpakonsulta, umaabot 65 percent nito o katumbas ng bilang na 616 ay may respiratory infection.
Nagkalagnat naman ang 120 sa mga evacuees, at 80 naman ang dumaing ng sakit sa ulo.
Dahil dito, payo ng DOH sa mga residente na malapit sa bulkang Mayon na kung maaari ay huwag nang lumabas ng bahay at magsuot ng protective cover gaya ng face mask.
Partikular na pinag-iingat ng kagawaran ang mga residente na mayroong pre-existing respiratory health condition gaya ng bronchitis, emphysema o asthma.
Nauna nang naglunsad ang DOH ng Oplan Mayon at inilagay na rin nito sa code blue ang kanilang regional health office sa Bicol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.