Duterte inamin na inutusan si Atong Ang na ayusin ang operasyon ng PCSO

By Chona Yu, Den Macaranas January 24, 2018 - 04:45 PM

Radyo Inquirer

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hiningi niya ang tulong ng gambling operator na si Charlie “Atong” Ang para linisin sa katiwalian ang Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO).

Sa kanyang departure speech bago ang pagdalo sa ASEAN-India Commemorative Summit sa New Delhi, sinabi ng pangulo na tinawagan ni si Ang dahil alam nito ang pasikot-sikot sa mga sugal.

Ayon kay Duterte, “Sinabi ko, ‘Atong, ikaw ang number one na gambler dito sa Davao. Huwag tayong magbolahan. Pumunta ka doon sa PCSO, hintuin mo ‘yang lahat ng illegal at tulungan mo ang gobyerno and that was the only reason I called Atong”.

Ibinunyag rin ng pangulo na isang dating pangulo ng bansa ang humikayat sa kanya na pangasiwaan ang operasyon ng Jai Alai noong siya pa ang mayor sa Davao City.

Pero kanya umano itong tinanggihan kasabay ang pagsasabi sa hindi niya pinangalanang dating lider ng bansa na maging magkaibigan na lamang sila at magiging magka-away sila kapag ipinilit ang Davao-based na Jai Alai operations.

Si Ang ay kabilang sa mga inimbitahan ng Senado kanina kaugnay sa kanilang imbetigasyon sa mga katiwalian sa loob ng PCSO kasama na ang kanilang magarbong Christmas party kamakailan.

TAGS: Atong Ang, duterte, pcso, Senate, STL, Atong Ang, duterte, pcso, Senate, STL

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.