Church annulment bill lusot na sa second reading sa Kamara

By Erwin Aguilon January 24, 2018 - 03:23 PM

Inquirer file photo

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang batas na kumikilala sa lahat ng church-decreed annulment.

Base sa substitute House Bill No. 6779 o “An Act Recognizing the Civil Effects of Church Annulment Decrees”, magkakaroon ng kaparehong epekto sa batas ng bansa ang paghihiwalay ng mag-asawa na inaprubahan ng anumang simbahan o relihiyon sa Pilipinas.

Ayon sa isa sa pangunahing may akda ng panukala na si Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt-Romualdez kapag naging batas ang panukala magkakaroon ng kaparehong bigat sa civil annulment o iyong mga inaprubahan ng korte ang declaration of nullity ng kasal sa simbahan.

Aalisin na anya ng panukala ang pasanin at pahirap pa sa mga naghiwalay na mag-asawa sa simbahan ang proseso ng annulment sa husgado.

Paliwanag ni Romualdez, kapag naging batas ang panukala masisiguro na ang mga mag-asawa na nasa difficult marital situation ay mabibigyan ng mas efficient at mas murang paraan ng annulment process.

Iginiit naman ng mambabatas na bagaman pinapahalagahan niya ang pagiging sagrado ng kasal ang kanya namang panukala ay kaugnay na rin sa nais ng Santo Papa na maging simple ang annulment procedure sa Simbahang Katolika.

Sa ngayon, kinikilala ang estado ang divorce sa ilalim ng Code of Muslim Personal Laws of the Philippines na nakabase sa Sharia law.

TAGS: church annulment, Congress, second reaDING, sharia law, church annulment, Congress, second reaDING, sharia law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.