Higit 100 milyong piso umano ang nawawala sa gobyerno dahil sa anomalya sa PCSO

By Ruel Perez January 24, 2018 - 12:52 PM

Kuha ni Ruel Perez

Ibinunyag ni dating jueteng whistleblower at ngayon ay PCSO Board Member Sandra Cam ang aniya ay mga anomalya sa ahensya.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Games and Amusement, isiniwalat ni Cam na nawawalan ng P100 milyon ang gobyerno kada buwan dahil sa mga anomaly sa PCSO.

Sa impormasyon ni Senator Ping Lacson malaki ang nawawala sa gobyerno mula sa dapat ay kinikita ng PCSO sa operasyon ng STL base sa PMMR o PMMR o Presumptive Monthly Retail Receipt ng mga operators o AAC o Accredited Agent Corp ng STL.

Isiniwalat din ni Cam na mayroong isang babae ang aniya ay naghahari sa lahat ng procurements sa PCSO na ang halaga ay P1 milyon pababa.

Ayon kay Cam, lahat ng procurement sa PCSO na mas mababa sa P1 milion ang halaga ay nakukuha ng nasabing babae na aniya ay isang consultant.

“The reason why I’m showing this picture to you is because this woman is a apparently a consultant in PCSO and she’s lording the procurement below P1 million and she’s the one in charge for the procurement of corporate giveaways during the Christmas party,” ayon kay Cam.

Kinuwestyon naman ni PCSO General Manager Alexander Balutan ang paglalabas ni Cam ng larawan ng nasabing babae na aniya ay wala namang kinalaman sa pagdinig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alexander Balutan, pcso, sandra cam, senate hearing, Alexander Balutan, pcso, sandra cam, senate hearing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.