3 lalaki arestado sa Bulacan; halos P50K halaga ng marijuana, nasabat ng mga otoridad

By Jong Manlapaz January 24, 2018 - 08:15 AM

Kuha ni Jong Manlapaz

Huli sa isang buy bust operation ng station drug enforcement unit ng Bulacan police at ng PDEA ang tatlong kalalakihan kabilang ang isang menor de edad na hinihinalang tulak ng bawal na gamot sa Brgy. Guyong, Sta. Maria Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na si Harold Correa, 23-anyos; John Edrich Roxas alyas Ed, 21-anyos; at isang menor de edad.

Nahulihan ang tatlo ng 32 sachet ng marijuana na may bigat na 243 grams at may street value na P48,000.

Nahuli ang tatlo matapos na bentahan nila ng dalawang tea bag ng marijuana ang pulis na nagpanggap na buyer.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang marijuana ay nanggaling pa sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga.

Samantala, sa bisa naman ng search warrant inaresto ng Caloocan police si Kelvin Dilao sa bahagi ng P. Gomez St. Brgy 154, Bagong Barrio, Caloocan.

Sa bahay ng suspek nakakuha ang mga pulis ng isang cal. 25 pistol at mga bala nito, 12 pirasong sealed transparent plastic sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu, isang paketeng marijuanan at timbangan.

Nahaharap ang mga suspek sa pagtutulak ng bawal na gamot, habang karagdagang kaso naman kay dilao ang kasong iligal na pangangalaga ng baril.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 3 arrested in Bulacan, Bulacan Police, Illegal Drugs, Marijuana, PDEA, 3 arrested in Bulacan, Bulacan Police, Illegal Drugs, Marijuana, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.