Plenary sessions, mas pinaaga para sa pagtalakay sa 2016 Budget
Nag-text brigade na ang liderato ng kamara para paalalahanan ang mga kongresista na dumalo sa mas pinaagang mga sesyon, na magsisimula ngayong araw.
Ito ay para sa dalawang linggong marathon plenary deliberations para sa panukalang 2016 national budget na nagkakahalaga ng 3.002 Trillion Pesos.
Kumpiyansa si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na magsisipag ang mga Mmambabatas para magkakaroon ng quorum sa buong panahon ng pagtalakay sa pambansang pondo.
Tiwala rin si Belmonte na maaaprubahan ang 2016 Budget sa ikalawang pagbasa bagong mag-recess ang Kongreso, na mag-uumpisa sa October 10.
Ngayong Lunes, ang sesyon ay magbubukas ng ala 1:30 ng hapon, sa halip na alas 4:00 ng ng hapon.
Sa mga susunod na araw naman ay sisimula ang mga sesyon ng alas 10:00 ng uamga hanggang sa 2nd reading approval ng 2016 budget sa susunod na linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.