Pagsabog ng mga bulkan at lindol, dahil sa aktibidad sa ‘Pacific Ring of Fire’-UNISDR

By Jay Dones January 24, 2018 - 03:08 AM

 

Mula sa UNISDR

Ang pagiging aktibo ng tinaguriang ‘Pacific Ring of Fire’ ang nakikitang dahilan ng mga eksperto sa serye ng mga lindol at pagputok ng bulkan sa kasalukuyan sa iba;t ibang panig ng mundo.

Ayon sa United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR), kapansin-pansin ang sunud-sunod na mga kaganapan sa mga lugar na nasa paligid ng ‘Pacific Ring of Fire’ sa nakalipas na mga araw.

Kabilang na dito ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay at ang biglaang pagputok ng Mount Kusatsu-Shirane sa Gunma Prefecture sa central Japan.

Bukod dito, niyanig rin magnitude 5.3 na lindol sa Indian Ocean malapit sa Java, Indonesia at ang malakas na magnitude 7.9 quake malapit sa baybayin ng Alaska.

Ang ‘Pacific Ring of Fire’ ay ang tinaguriang pinaka-aktibong ‘fault line sa mundo ay may lawak na 40,000 kilometro.

Tinatawid nito ang maraming bansa mula sa New Zealand hanggang sa east coast ng Asya, Canada, USA hanggang sa dulong bahagi ng South America.

Ito ay binansangang ‘Ring of Fire’ dahil sa malimit na pagiging aktibo ng mga ‘tectonic plates’ at ‘underwater volcanoes’ na kalimitang pinagmumulan ng mga malalakas na lindol.

Sinasabing nasa 90 porsiyento ng mga malalaks na lindol sa buong mundo ang nagaganap sa ‘Pacific Ring of Fire’ ayon sa mga eksperto.

Sakop ng Pacific Ring of Fire ang Pilipinas at ang ilang bulkan, kabilang na ang Mount Pinatubo na sumabog noong 1991 at ang Mayon Volcano na kasalukuyang nagpapakita ng aktibidad ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.