8.2 magnitude na lindol, tumama sa Anchorage, Alaska
By Cyrille Cupino January 23, 2018 - 06:44 PM
Niyanig ng 8.2 magnitude na lindol ang baybaying sakop ng Anchorage, Alaska sa USA.
Nag-isyu ng tsunami alert ang US Geological Survey matapos ang lindol na tumama sa layong 300 kilometers mula sa timog-silangang bahagi ng Kodiak, at may lalim na 10 kilometers, 12:30 ng madaling araw, oras sa Alaska.
Nakataas rin ang tsunami alert sa buong west coast ng US at Hawaii, ayon sa U.S. Tsunami Warning System.
Pinayuhan ng ahensya ang mga residente sa mga apektadong lugar na lumikas sa mas mataas na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.