Ilang domestic at international flights nakansela dahil sa bulkang Mayon
Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Mayon ay kanselado ang ilang international at domestic flights ngayong araw, January 23.
Sa abiso ng Mania International Airport Authority (MIAA), kanselado ang mga byahe ng:
-Japan Airlines Flight 745 (Narita-Manila)
-Air Niugini Flight 010/011 (Port Moresby-Manila-Port Moresby)
-Jetstar Flight 94/95 (Nagoya-Manila-Nagoya)
-Jetstar Flight 40/41 (Narita-Manila-Narita)
-United Airlines Flight 183/184 (Guam-Manila-Guam)
Ayon naman sa Cebu Pacific, kanselado ang kanilang mga flights na:
-Manila-San Jose-Manila
-Manila-Busuanga-Manila
-Manila-Tablas-Manila
-Manila-Masbate-Manila
-Caticlan-Clark-Caticlan
-Cebu-Legaspi-Cebu
Ito ay dahil pa rin sa volcanic activity ng Mayon.
Samantala, kinansela naman ng Delta Airlines ang kanilang flight 181 na Narita to Manila dahil sa masamang panahon na nararanasan sa Narita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.