Kilusang komunista, nais na ring wasakin ni Duterte
By Kabie Aenlle January 23, 2018 - 03:27 AM
Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin ang kilusan ng mga komunista tulad ng kampanya ng pamahalaan na supilin ang pamamayagpag ng iligal na drog sa bansa.
Sinabi ito ni Pangulong Duterte sa kaniyang talumpati sa Mawab, Compostela Valley.
Ayon sa pangulo, nagdudulot ng pagdurusa sa mga Pilipino ang communist insurgency.
Dahil dito, nais na niya itong tuluyang puksain.
Giit ng pangulo, seryoso siya kapag sinabi niyang “destroy” dahil ito aniya ang “rule of war.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.