AFP Chief of Staff Gen. Rey Guerrero itinalaga sa MARINA
Itinatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Armed Forces of the Philip[pines Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero bilang susunod na pinuno ng Maritime Industry Authority (Marina).
Sa talumpati ng pangulo sa establishment ng TienDA para sa mga bayani sa Camp General Manuel Yan Sr. sa Mawab, Compostela Valley ay kanyang sinabi na itatalaga niya si Guerrero sa Marina sa pagtatapos ng kanyang tour of duty sa militar sa buwan ng Abril.
Matatandaang kamakailan lamang sinibak ng pangulo si Marina Chief Marcial Amaro III dahil sa junket o madalas na pagbiyahe sa ibang bansa.
Wala pang inilalabas na reaksyon ang pinuno ng AFP sa nasabing pahayag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.