Nasa 100 na ang nasawi sa Papua, Indonesia dahil sa measles outbreak
Aabot na sa 100 na mga malnourished na residente ang pinangangambahang nasawi sa Papua sa Indonesia dahil sa measles outbreak.
Kabuuang 69 na mga bata na ang nasawi sa liblib na Asmat region ayon sa tagapagasalita ng Papua military na si Muhammad Aidi.
Maliban dito, nasa 27 naman na ang sinasabing nasawi sa isa pang liblib at mabundok na distrito naman ng Oksibil.
Ayon kay Aidi, nakumpirma na nila ang iniulat sa kanilang measles outbreak na nararanasan rin sa Oksibil, pero kukumpirmahin pa nila kung ilan na talaga ang nasawi.
Ani pa Aidi, bagaman maituturing na isang mild disease lamang ang measles, pawang mga malnourished ang mga bata sa mga naturang lugar kaya hindi nila kinakaya ang sakit.
Nagpadala naman na ang gobyerno at militar ng mga medical teams para mabigyan ng gamot, bakuna at iba pang gamit pang-medikal at pagkain ang mga residente.
Gayunman, dahil sa mahihirap na terrains ng Oksibil, mahihirapang makarating agad ang mga naturang supplies.
Parehong may matinding kakulangan sa mga doktor at health care facilities ang dalawang lugar.
Kasama naman sa mga dahilan kung bakit huli na rin nang mabalitaan ang outbreak sa lugar ay ang mahinang estado ng komunikasyon at imprastraktura sa Oksibil at Asmat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.