Implementasyon ng libreng tuition para sa mga SUCs, nais ng isang senador
Nais ni Senador Bam Aquino na agad nang maipatupad ang libreng matrikula para sa mga state universities and colleges (SUCs).
Ito ay kasunod ng pagmahal ng mga bilihin dahil sa Tax Reform for Acceleration and and Inclusion (TRAIN) Law.
Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na Agosto pa ng 2017 nang maisabatas ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipatutupad.
Aniya, doble pahirap sa mga Pilipino ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasabay ng pagpapatuloy sa pagbabayad ng matrikula para makatungtong ng kolehiyo.
Samantala, una nang nagpahayag ng hindi pagsang-ayon ang mga economic manager ng Duterte administration tungkol sa naturang batas dahil anila, hindi kakayanin ng pondo ng pamahalaan ang pagbabayad sa tuition fees.
Ngunit ayon naman kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, kailangang gumawa ng Kongreso ng paraan para mapondohan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.