4 na ang sugatan sa pag-atake ng mga armadong lalaki sa isang hotel sa Afghanistan

By Mariel Cruz January 21, 2018 - 10:47 AM

Photo: Associated Press

Patuloy na nakakarinig ng putok ng baril sa loob ng Intercontinental Hotel sa Kabul, Afghanistan na inatake ng hindi bababa sa apat na armadong lalaki.

Ayon kay Interior Ministry Deputy Spokesman Nasrat Rahimi, pito katao na ang isinugod sa ospital dahila sa tinamong mga sugat, habang dalawa naman sa mga umatake at napatay na.

Sa ngayon aniya, napasok na at binabantayan nang Afghan forces ang una at ikalawang palapag ng hotel, at sinusubukan na rin i-clear ang ikatlo at ikaapat na palapag.

Gumagamit na rin aniya ng helicopter para ibaba sa rooftop ng hotel ang ilang miyembro ng special forces para mailigtas ang iba pang guest na naiipit pa sa loob.

Ayon naman sa isang opisyal ng National Directorate of Security, sinunog umano ng mga umatake ang ikaapat na palapag ng hotel kung saan matatagpuan ang ilang restaurant at isang outdoor swimming pool.

Nakatanggap din aniya sila impormasyon na binabaril umano ang ilang guest sa loob ng nasabing hotel.

Nangako naman si interior ministry spokesman Najib Danish na matatapos na ang operasyon at mapapatay ang lahat ng mga umatake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.