Warden ng Puerto Princesa, sibak sa puwesto

By Erwin Aguilon September 27, 2015 - 06:14 PM

 

Inquirer file photo

Sinibak na sa puwesto ang jail warden ng Puerto Princesa City Jail matapos magawang magpa-press conference ni dating Palawan Governor Joel Reyes, habang nasa kanilang kustodiya noong Biyernes.

Ayon sa ipinalabas na statement ng Bureau of Jail Management and Penology Region 4B, tinanggal na sa puwesto si Jail Superintendent Don Paredes.

Ang administrative relief kay Paredes ay upang bigyang daan ang paglulunsad ng imbestigasyon sa insidente at matukoy kung nagbigay ito ng special treatment sa dating gobernador.

Matatandaang nakagawang makapagpa-press conference ni ex-Governor Reyes noong Biyernes at ‘live’ pang naisahimpapawid ang pahayag nito sa ilang himpilan ng radyo sa lalawigan nang walang pahintulot ng hukuman.

Itinalaga naman bilang Officer-in-Charge si Jail Sr.Inspector Ariel Pabulayan.

Ang magkapatid na Reyes ang pangunahing akusado sa pagpatay sa environmentalist at broadcaster na si Doc Gerry Ortega may ilang taon na ang nakalilipas.

Nito lamang nakaraang linggo, nadakip ang dalawa habang nagtatago sa Phuket, Thailand dahil sa overstaying.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.