Serbisyo ng Globe puputulin sa Sinulog at Ati-Atihan festival

By Den Macaranas January 20, 2018 - 04:38 PM

Radyo Inquirer

Inihayag ng Globe Telecom na pansamantala nilang puputulin ang kanilang serbisyo sa ilang bahagi ng Cebu at Aklan kaugnay sa Sinulog at Ati-Atihan festival.

Sa kanilang advisory, sinabi ng Globe na bahagi ito ng pagtalima sa direktiba ng National Telecommunications Commissions (NTC) may kinalaman pa rin sa isyu ng seguridad.

Sa lungsod ng Cebu, mapuputol ang serbisyo ng Globe sa January 20 mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-siyete ng gabi ito ay kaugnay sa gaganaping prusisyon ng Sto. Niño.

Sa January 21 mula alas-otso ng umaga hanggang alas-otso naman ng gabi ay mawawalan ng signal ang Globe sa Aklan para a Sinulog grand parade.

Ang mga Globe subscribers sa nasabing mga lugar at petsa ay pansamantalang mawawalan ng  signal sa kanilang mga telepono kasama na dito ang internet at mobile data services.

Nauna nang sinabi ng NTC na ipag-uutos nila ang pansamantalang pagputol sa serbisyo ng mga telcos para hindi magamit ang cellular signal na triggering device sa mga pampasabog.

TAGS: aklan, ati-atihan, cebu, Globe, NTC, Sinulog, aklan, ati-atihan, cebu, Globe, NTC, Sinulog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.