Pagkansela sa frigate deal, walang ligal na batayan – DND

By Rhommel Balasbas January 19, 2018 - 04:26 AM

Iginiit ng Department of National Defense (DND) na walang ligal na basehan upang ibasura ang P15.7 bilyong frigate acquisition project para sa Philippine Navy.

Ito ay kasunod ng panawagan ni Magdalo Rep. Gary Alejano na ikansela na ang naturang ‘deal’.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, mayroong tamang prosesong nakapaloob sa Republic Act No. 9184 o Government Procurement Reform Act ukol sa pagkansela ng procurement project ng gobyerno.

Ngunit sa ngayon anya ay wala pang nakikitang kondisyon sa ilalim ng naturang batas ang nagsasabing dapat ihinto na ang proyekto.

Iginiit ni Andolong na ang mga akusasyon ni Alejano tulad ng umano’y pakikialam ng Malacañang sa frigate deal ay pawang mga alegasyon lamang at hindi ligal na batayan upang ipatigil na ang proyekto.

Noong 2016 ay lumagda ang gobyerno ng kasunduan kasama ang Hyundai Heavy Industries ng South Korea upang bumuo ng 2 frigates para sa Philippine Navy.

Ito ang naging dahilan upang masibak sa pwesto si dating Navy Chief Vice Admiral Ronald Joseph Mercado dahil sa umano’y pagpabor nito sa isang european contractor para maging supplier ng combat management system para sa dalawang bagong barko mula sa SoKor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.