Mas nanahimik pa ang Bulkang Mayon, araw ng Huwebes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and seismology, mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ng Huwebes, nasa 12 rockfalls lang ang naitala ng nag-aalburutong bulkan.
Mas mababa ito kumpara kahapon kung saan nasa 48 rockfalls ang naitala.
Wala rin naganap na pagyanig ngayon kumpara sa isang naransan na pagyanig noong Miyerkules.
Samanatala, nasa tatlong kilometrong lava flow naman ang naitala mula sa southern slope ng Mayon.
Nananatili ang alert level 3 sa bulkan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.