CJ Sereno hindi lumabag sa Procurement Law sa pagbili ng Land Cruiser

By Erwin Aguilon January 17, 2018 - 08:01 PM

Atty. Jojo Lacanilao | INQUIRER FILE

Nanindigan ang kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na walang nilabag ang punong mahistrado sa procument ng P5.2M halaga ng Toyota Land Cruiser.

Ayon sa isa sa mga tagapagsalita ni Sereno na si Atty. Jojo Lacanilao, sinagot lamang ng Office of the Chief Justice ang tanong ng Bids and Awards Committee (BAC) ng Kataas-taasang Hukuman kung ano ang preferred na sasakyan ni Sereno.

Paliwanag nito, hindi naman nangangahulugan na kailangan sundin mismo ng BAC ang sinabing preferred na sasakyan ni Sereno.

Ayon kay Lacanilao, Land Cruiser ang iminungkahi ng tanggapan ni Sereno sa BAC dahil maaari raw itong gawing bullet-proof.

Ngayong sinunod daw ng BAC ang kanilang suhestiyon, wala nang kargo rito ang punong mahistrado sapagkat labas na siya rito.

Iginiit nito na matagal nang nagyayari sa Korte Suprema ang pagbibigay ng preference ang mga mahistrado sa oras na tanungin sila ng BAC.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacanilao matapos aminin ng ilang mga taga Supreme Court na tailored-fit ang pagbili sa Land Cruiser na sasakyan ng punong mahistrado.

TAGS: chief justice maria lourdes sereno, Land Cruiser, chief justice maria lourdes sereno, Land Cruiser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.