Bilang ng mga inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon, umabot na sa 34,000 – NDRRMC

By Cyrille Cupino January 17, 2018 - 12:11 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente na inilikas dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, aabot na sa 8,296 na pamilya o aabot sa 34,003 na indibidwal ang nag-evacuate mula sa mga bayan ng Kamalig, Guinobatan, Ligao, Daraga, Tabaco, Sto. Domingo, Malilipot at Legazpi City.

Ang mga evacuees ay pansamantalang tumutuloy sa 30 evacuation centers.

Paliwanag ni Romina Marasigan, tagapagsalita ng NDRRMC, nadagdagan ang mga inilikas na residente dahil kasama na dito ang mga nasa loob ng 7-kilometer danger zone na maaring daanan ng lahar flow.

Ayon sa NDRRMC, suspendido pa rin ang klase sa ilang mga bayan sa lalawigan ng Albay.

Tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng NDRRMC sa mga local government unit upang tiyakin ang kaligtasan at ang mga pangangailangan ng mga evacuees.

Matatandaang kahapon, nag-deklara na si Governor Al Francis Bichara ng State of Calamity sa lalawigan ng Albay. (Cyrille)

 

TAGS: evacuees, mayon volcano, evacuees, mayon volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.