Jail warden ng Puerto Princesa, pinasisibak ni De Lima

By Jay Dones September 27, 2015 - 08:56 AM

Inquirer file photo

Pinasisibak ni Justice Secretary Leila de Lima ang warden ng Puerto Princesa City Jail matapos na payagan nitong makapanayam ng media ang magkapatid na Reyes sa kabila ng kanyang kautusang walang special treatment na dapat tanggapin ang dalawa.

Napag-alaman ng kalihim na nakapagbigay ng mahigit isang oras na panayam sa mga media ang magkapatid na Joel at Mario Reyes matapos dalhin ang mga ito sa Puerto Princesa Jail at live pang naisahimpapawid sa mga himpilan ng radyo sa Palawan.

Kinumpirma ng Kalihim na kanyang inirekomenda na kay DILG Secretary Mel Senen Sarmiento na sampahan ng kasong administratibo si Supt. Don Paredes dahil pinayagan nito ang interview na ginanap sa loob pa ng isa sa mga opisina ng bilangguan pagkatapos dalhin ang dalawa mula sa Maynila noong Biyernes.

Giit ng kalihim, ang mga taong naka-detain ay hindi maaring basta na lamang magsagawa ng mga mga press conference nang walang kaukulang opisyal na permiso mula sa hukuman.

Nasa ilalim ng DILG ang Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon naman kay Supt. Paredes, kanyang pinayagan ang media press conference ng magkapatid na akusado sa pagpatay sa environmentalist-broadcaster na si Gerry Ortega dahil humingi ito ng permiso na makausap ang mga mamamahayag sa kanya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.