Nasa ‘purging spree’ ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa talumpati ng pangulo sa inagurasyon ng CAAP Satellite based air traffic system sa Pasay City, sinabi nito na marami pa siyang opisyal ng gobyerno ang sisibakin.
Binalaan pa ng pangulo ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa ‘wanderlust’ o mahilig na bumiyahe na umalis na lamang sa gobyerno.
Hinihiling din ng pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe sa abroad ng mahigit dalawampung beses na bumaba na lamang sa puwesto.
Sakali man aniyang mag-aabroad ang isang opisyal o kawani ng gobyerno, kinakailangan na ipaliwanag muna kung ano ang mahihita ng bayan sa pagbiyahe sa abroad.
Agad namang nilinaw ng pangulo na hindi siya nagpapaka-ipokrito at hindi rin nagmamalinis na trabahador ng gobyerno.
Ayon sa pangulo, may mga pagkakamali din siya subalit hindi sa usapin sa pera ng bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.