Rappler lumabag sa batas sa isyu ng foreign ownership-NPC

By Jay Dones January 17, 2018 - 12:03 AM

 

“Responsible Journalism’ means complying with the law.”

Ito ang tugon ng National Press Club (NPC) sa kinakaharap na sitwasyon ngayon ng Rappler Inc. na bahagi ng pagsupil sa malayang pamamahayag ang pagbawi ng Securities and Exchange Commission sa kanilang Certificate of Incorporation.

Ayon kay Paul M. Gutierrez, pangulo ng NPC, hindi isyu ang ‘press freedom’ sa hakbang ng SEC kontra sa naturang online news agency.

Paliwanag nito, karapat-dapat lamang ang naging desisyon ng SEC dahil lumabag ang Rappler Inc. sa batas nang pahintulutan nito ang foreign investor na Omidyar Network Fund LLC na ‘kontrolin’ ang ‘corporate matters’ ng kumpanya.

Malinaw aniya sa ilalim ng Konstitusyon na hindi maaring manghimasok ang mga dayuhang kumpanya sa larangan ng mass media sa bansa.

Nakasaad aniya sa batas na dapat ay 100 percent na kontrolado ng mga Pilipino ang isang mass media entity, paliwanag pa ni Gutierrez.

“Going thru the 29-page decision, the SEC finding is quite clear: that Rappler Inc., has indeed violated the law when it allowed the entry of foreign investors and also allowed, specifically, Omidyar Network Fund LLC, to have control on ‘corporate matters’ of Rappler based on its own submissions to the SEC,” pahayag pa ni Gutierrez sa kanyang statement.

Iginiit nitong nagmalabis ang Rappler nang payagan nito ang Omidyar na humawak ng kontrol sa kanilang ‘corporate affairs’ kapalit ng $1 milyong dolyar na investment.

Dahil dito aniya, naniniwala ang NPC na ‘premature’ na maitururing kung isyu ng ‘freedom of the press’ ang kinakaharap ng Rappler sa ngayon dahil sa desisyon ng SEC.

Naniniwala rin ang NPC na sa kabila ng kinakaharap ng Rappler ay nananatiling malaya pa rin ang naasa mahigit 2,000 media entities sa bansa na ipahayag ang kanilang saloobin.

“There are about 436 television broadcast stations, 411 AM radio stations, over 1,000 FM radio stations and more than 400 newspapers today operating freely in the country besides those now that have proliferated in social media and whose actual number no one really has any idea.

“To say that the fate of one media entity found to have run afoul with the law translates to media repression in the country is stretching the argument a bit too much,” pahayag pa ni Gutierrez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.