Korte Suprema magdaraos ng oral argument sa petisyon kontra one-year extension sa Martial Law sa Mindanao
Magsasagawa ng oral argument ang Korte Suprema kaugnay sa mga petisyon na kumukuwestiyon sa pinalawig na batas militar sa Mindanao.
Alas 2:00 ng hapon sisimulan ng mga mahistrado ng ang pagtalakay sa legal batayan na inilatag ng mga petitioner laban sa one-year extension ng martial law.
Ilan sa mga petitioner ay sina Representative Edcel Lagman, National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL); Eufemia Campos Cullamat, Loretta Ann Rosales, Christian Monsod, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Caloocan City Rep. Edgar Erice, Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr., Capiz Rep. Emmanuel Billones at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin.
Ginamit na batayan ng mga petitioner ang itinatakda sa Section 18 ng Article VII ng 1987 Constitution na labag sa batas ang pagpapalawig ng martial law sa rehiyon dahil sa kawalan ng rebelyon o tapos na ang rebelyon na isinagawang panggugulo ng Maute-ISIS group.
Iginigiit pa ng mga petitioner na ang banta ng karahasan at terorismo ng ilang natirang galamay ng mga terorista ay hindi maaaring gamiting batayan upang palawigin ang batas militar sa Mindanao.
Hindi anila pinapayagan ng Saligang Batas ang sunud-sunod na extension o ang re-extension sa proklamasyon ng martial law.
Ayon naman kay NUPL Chairman Neri Colmenares, tuloy naman ang normal na takbo ng pamamahala sa Davao at Mindanao kaya hindi dapat isailalim sa batas militar.
Naniniwala si Colmenares na target nang pinalawig na batas militar ang mga tumutuligsa sa pamahalaan at mga miyembro ng New People’s Army o NPA.
Labinlimang mahistrado ang magtatanong sa apat na grupo ng mga petitioner na kakatawanin ng kanilang mga abogado.
Inaasahan ding maglalatag ng legal basis ang Solicitor General na kakatawan sa administrasyong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.