Biyahe ng MRT, maagang nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio January 15, 2018 - 06:13 AM

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng MRT-3 ngayong araw ng Lunes, January 15.

Dalawang magkasunod na aberya ang naitala sa biyahe ng MRT-3 na nagresulta sa pagpapababa sa mga pasahero.

Una nang naitala ang aberya alas 5:09 ng umaga, pinababa ang mga pasahero ng MRT sa bahagi ng GMA-Kamuning Southbound.

Ito ay dahil sa naranasang train failure.

Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Samantala, alas 6:41 naman ng umaga nang muling magpababa ng mga pasahero sa Boni Avenue Southbound.

Isang tren ng MRT ang nakaranas ng technical problem kaya kinailangang pababain ang mga sakay nito.

Dahil sa dalawang magkasunod na aberya, labingdalawang aberya na ang naitatala sa biyahe ng MRT ngayong Enero 2018.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dotr, gma kamuning, MRT, Radyo Inquirer, southbound, train failure, transport system, dotr, gma kamuning, MRT, Radyo Inquirer, southbound, train failure, transport system

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.