PNP tatanggap ng 15,000 bagong pulis ngayong taon

By Jay Dones January 15, 2018 - 02:27 AM

 

Maghahanap ng karagdagang 15,000 bagong recruit ang Philippine National Police para sa taong 2018.

Ayon kay PNP Deputy Director General Archie Francisco Gamboa, pinuno ng PNP Directorial Staff, karaniwang tumatanggap ng 10,000 bagong pulis ang PNP taun-taon.

Ngunit dahil marami na ang nagretiro, nagbitiw sa puwesto o di kaya ay natanggal, mangangailangan sila ng karagdagang 5,000 tauhan pa.

Sa kasalukuyan, nasa 187,000 ang buong puwersa ng PNP.

Ito ay katumbas ng isang pulis sa bawat 651 Pilipino.

Ang planong recruitment ng bagong police personnel ay bukod pa sa planong pagbili ng PNP ng karagdagang 70,000 baril at pitong helicopter na magagamit ng kanilang hanay.

Ito aniya ang kanilang paggagamitan sa 7-bilyong pisong budget na makukuha ng Pambansang Pulisya para sa taong ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.