Pagbubukas ng imbestigasyon sa Atio Castillo slay, ikinagalak ng kanyang pamilya
Ikinalugod ng mga magulang ni Horacio “Atio” Castillo III ang muling pagbubukas ng Department of Justice (DOJ) ng preliminary investigation sa kaso ng pagkamatay ng kanilang anak na pinaniniwalaang biktima ng hazing ng sinalihang Aegis Juris Fraternity sa University of Sto. Tomas.
Ayon sa mag-asawang sina Horacio at Carminia Castillo, nagagalak sila sa naging desisyon ng panel of prosecutors nang sa gayon ay pormal na maging bahagi ng rekord ng kaso ang salaysay ni Marc Anthony Ventura.
Sinabi rin ng mag-asawang Castillo na nagpapasalamat sila sa desisyon ni Ventura na maglakas-loob na magsabi ng katotohanan sa sinapit ng kanilang anak noong September 17, 2017.
Sa pagdinig ay kinumpirma ng panel of prosecutors sa pangunguna ni Assistant State Prosecutor Susan Villanueva na natanggap na nila ang certification na nagsasabing si Ventura ay nasa ilalim na ng Witness Protection Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.