9 sa 10 mga Pilipino naniniwalang maayos ang pagbabalita sa bansa
Lumabas sa isang pag-aaral mula sa Estados Unidos na 86% ng mga Pilipino ang naniniwalang ‘accurate’ o tama ang pagbabalita sa bansa.
Ito ang naging resulta ng pag-aaral ng Pew Research Center na pinamagatang “Publics Globally Want Unbiased News Coverage, but Are Divided on Whether Their News Media Deliver.”
Sa naturang report, 78% ng mga Pilipino ang nagsabing maayos ang pagbabalita ng mga media outlets tungkol sa mga isyung politikal sa bansa.
83% naman ang nagsabing maayos ang pagbibigay impormasyon ng mga news agencies sa bansa patungkol sa mga balita na may kaugnayan sa mga pinuno at opisyal ng gobyerno.
Samantalang 87% naman ang nagsabi na maayos ang pagbabalita tungkol sa mga importanteng pangyayari sa loob ng Pilipinas.
1,000 mga Pilipino na edad 18 pataas ang kinuha para sa naturang pag-aaral sa pamamagitan ng face-to-face interview noong February 26 hanggang May 8, 2017.
Lumabas rin sa naturang pag-aaral na sa buong mundo, tanging Pilipinas at Brazil lamang ang mga bansa kung saan ang mga kabataan ang nakatutok sa mga local news.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.