3 Pinoy Pilgrims kumpirmadong nasawi sa Mecca
Kinumpirma ni dating Comelec Commisioner Mehol Sadain na may dalawang Pinoy ang namatay bago pa man naganap ang madugong stampede malapit sa Mecca noong huwebes.
Ayon kay Sadain, “natural causes” ang dahilan ng kamatayan ng mga biktimang sina Jadir Sali mula sa Tawi-Tawi at Aman Hayudini ng Jolo Sulu.
Nauna dito ay kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na isang Pinay Nurse ang namatay sa naganap na stampede.
Umaabot na sa 717 ang naitalang patay samantalang 863 naman ang sugatan sa stampede na naganap sa Street 204 sa Camp City ng Mina malapit sa Mecca sa Saudi Arabia na siyang sentro ng mga pagtitipon kaugnay sa taunang Haj Pilgrimage.
Sa report ng Saudi Interior Ministry, ilang araw nang nagtitipon ang mga tao sa lugar kaugnay sa pagdiriwang ng tradisyunal na Eid al-Adha na karaniwang sinasabayan ng pagdagsa ng mga muslim mula sa ibat-ibang panig ng daigdig.
Papunta sa Mira at Jamarat ang mga pilgrims nang bigla na lamang magkaroon ng stampede na siyang dahilan kung bakit naipit at natapakan ang mga biktima.
Halos kapusin ang 4000 rescuers sa lugar dahik sa dami ng mga duguan at mga walang malay na biktima na hinugot sa gitna ng makapal na bilang ng mga pilgrims sa lugar.
Kaagad na napuno ng mga biktima ang mga pagamutan kaya naglagay ng medical tent sa ilang bakanteng lugar para doon gamutin ang ilang mga sugatan.
Sa tala ng Saudi government, ang naganap na stampede ay isa sa pinakamalala sa kanilang kasaysayan kung saan noong 2006 ay umabot sa 346 ang patay sa kahalintulad na stampede sa Jaramat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.