DOTR, nagdagdag ng 22 bagong ruta para sa P2P buses
May hatid na magandang balita ang Department of Transporation para sa mga commuters.
Ito ay matapos magdagdag ang kagawaran ng 22 bagong ruta para sa mga point-to-point buses upang padaliin pagbiyahe ng publiko.
Sa isang Facebook post ay inanunsyo ng DOTR ang bagong mga ruta na madadagdag para sa taong ito.
Ito ay ang mga sumusunod:
• Pasig (city proper) hanggang Ortigas
• Pasig (city proper) hanggang Makati
• Pasay hanggang Makati
• Las Piñas hanggang Makati
• Taguig (city proper) hanggang Ortigas
• Taguig (city proper) hanggang Makati
• Sucat hanggang Lawton
• Alabang hanggang Lawton
• Bacoor hanggang Makati
• Imus hanggang Makati
• Noveleta hanggang Makati
• Dasmariñas hanggang Makati (via Daanghari)
• Malolos hanggang North EDSA
• Bocaue/Santa Maria hanggang North EDSA
• Malabon/Navotas hanggang Pasay (via R10)
• NAIA hanggang Alabang
• NAIA hanggang Sta Rosa, Laguna
• NAIA hanggang Cubao
• NAIA hanggang Ortigas
• Clark hanggang Malolos, Bulacan
• Clark hanggang Tarlac City, Tarlac
• Clark hanggang San Jose, Nueva Ecija
Benepisyal para sa mga commuters ang P2P buses dahil ang serbisyo nito ay naghahatid sa mga pasahero sa direktang lokasyon at umaalis sa eksaktong oras nang hindi inaalala kung kakaunti ang mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.