Operasyon sa Olongapo City Hall, binulabog ng bomb threat
Naantala ang operasyon sa Olongapo City Hall makaraang makatanggap ng bomb threat, Biyernes ng umaga.
Mismong si City Administrator Mamerto Malabute ang nakatanggap ng text message alas 7:56 ng umaga at sinabing mayroong nakatanim na bomba sa gusali.
Agad na tumawag sa pulis si Malabute para makapagtalaga ng bomb disposal team.
Ipinag-utos din ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino sa lahat ng empleyado at mga nakikipagtransaksyong residente lisanin muna ang City Hall habang isinasagawa ang inspeksyon.
Ilang oras ding ginalugad ng bomb squad ang lahat ng tanggapan sa City Hall para matiyak na ligtas sa anumang bomba ang gusali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.