Myanmar, niyanig ng magnitude 6.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo January 12, 2018 - 06:44 AM
Niyanig ng magnitude 6.0 na lindol ang Myanmar, Biyernes (Jan, 12) ng madaling araw.
Naitala ang lindol alas 2:26 ng madaling araw sa Myanmar at alas 4:00 naman ng umaga oras sa Pilipinas.
Ayon sa USGS, ang epicenter ng lindol ay naitala sa 40 kilometers west sa bayan ng Pyu.
Agad itong nasundan ng dalawang may kalakasang aftershocks na kapwa magnitude 5.3.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.