Retiradong guro at apo, patay sa sunog sa Zamboanga del Norte
Isang retiradong guro at kaniyang apo na babae ang nasawi matapos ma-trap sa kanilang tahanan sa Barangay Poblacion sa Siocon, Zamboanga del Norte na natupok ng apoy.
Kinilala ni Western Mindanao police spokesperson Chief Insp. Helen Galvez ang mga biktima na sina Martina Ruferos, 71 taong gulang, at apo niyang si Marcelle Abby Toledo, 15 taong gulang.
Narekober ang mga nasunog nilang mga bangkay na naipit sa mga debris pasado alas-11:00 ng gabi ng Miyerkules nang tuluyan nang maapula ang sunog.
Base sa imbestigasyon, ang hinihinalang pinagmulan ng sunog ay napabayaang kandila.
Tatlong linggo na kasing walang kuryente sa buong bayan ng Siocon dahil sa pananalasang bagyong Vinta sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.