PNP at AFP, nagpasalamat kay Pang. Duterte sa dagdag-sahod na ibinigay sa kanila

By Cyrille Cupino January 11, 2018 - 01:42 PM

Inquirer file photo

Nagpasalamat ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ibinigay na dagdag-sweldo ng kanilang mga miyembro.

“Best performance” sa trabaho ang magiging katumbas ng doble-sweldong ibibigay sa mga miyembro at opisyal ng PNP.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, ang pagtaas sa sweldo ng mga pulis at mga sundalo ay patunay lamang na hindi binabalewala ng pamahalaan ang sakripisyo ng mga alagad ng batas.

Samantala, sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo na magkaroon man ng paggalaw sa kanilang sweldo o hindi, tutuparin pa rin ng mga sundalo ang kanilang tungkulin sa bayan.

Nagpasalamat rin ang AFP kay Pang. Duterte dahil sa kanyang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo na nagbubuwis ng buhay para sa bayan sa pamamagitan ng karagdagang-sweldo.

Sa ilalim ng joint resolution, na epektibo January 1, 2018, ang mga entry-level uniformed officer ng PNP, Bureau of Fire Protection, BJMP, AFP at Seaman Third class ay makakatanggap na ng base pay na P29,668 ngayong taong ito mula sa dating P14,834 lamang.

Ang AFP Chief of Staff at PNP Chief ay makakatangap na ng P121,143 kasa buwan ngayong taon at P149,785 kada buwan sa susunod na taon mula sa kanilang base pay na P67,500.

 

TAGS: PNP and AFP Salary Hike, PNP and AFP Salary Hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.