Lalaking nasawi matapos dumalo sa Traslacion, lasing at hindi nakainom ng gamot
Lasing at bigong uminom ng kanyang maintenance medicine para sa hypertension ang lalaking nasawi matapos dumalo sa Traslacion.
Nilinaw ito ni Johnny Yu, pinuno ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na isa sa mga nagbigay ng paunang lunas sa lalaki.
Si Senior Jail Officer 4 Ramil dela Cruz ay nasawi matapos lumahok sa prusisyon ng Itim na Nazareno.
Kwento ni Yu, pumunta si Dela Cruz sa bahay ng kanyang kaibigan sa Hidalgo Street dakong 12:30 ng madaling araw matapos sumali sa prusisyon. Idinaing niya ang pananakit ng dibdib at tiyan at itinakbo sa pinakamalapit na first aid station.
Ayon kay Yu, aminado si Dela Cruz at kanyang kaibigan na lasing sila.
Hindi rin nakainom ng gamot para sa hypertension ang jail officer nang dalawang araw.
Iminungkahi ni Yu na itakbo na sa ospital si Dela Cruz, pero nagpahatid ito sa kanyang kasama pauwi sa kanyang bahay.
Pumirma naman si Dela Cruz sa isang waiver na nagsasabing tumanggi siyang gamutin sa first aid station.
Kalaunan, nag-seizure na ang biktima dahilan para itakbo siya ng medical officers sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).
Ayon sa MDRRMO, naisalba pa nila si Dela Cruz matapos mawakan ng malay at nai-turnover nang buhay sa JRRMC dakong alas-2:00 ng umaga.
Gayunman, dead on arrival ito batay sa spot report ng Manila Police District.
Naghatid naman ng pakikiramay ang Bureau of Jail Management and Penoloigy (BJMP) sa pamilya ng biktima.
Nilinaw rin ng BJMP na nag-AWOL o absence without leave si Dela Cruz ilang buwan na ang nakalipas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.