Oral arguments sa petisyon vs. Martial Law, itinakda ng SC

By Alvin Barcelona January 10, 2018 - 04:40 PM

Itinakda na sa susunod na linggo ang oral argument para sa petisyon na kumukuwestiyon sa one year extension ng martial law sa Mindanao.

Nagpasya ang mga mahistrado sa katatapos na en banc session na idaos ang oral argument alas-10:00 ng umaga sa January 16 at alas-2:00 ng hapon sa January 17.

Tatalakayin dito ang pinag-isang petisyon ng grupo nina Albay Representative Edcel Lagman at Makabayan bloc sa Kamara sa pangunguna ni Bayan Party-list Representative Carlos Zarate.

Iginiit ng grupo ni Zarate na wala nang basehan ang pagpapalawig ng Martial Law dahil mismong ang pamahalaan na ang umamin na tapos na ang Marawi siege na ginamit na dahilan ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa petisyon naman ng ni Lagman, hiniling nito sa korte suprema na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction para pigilan ang implementasyon ng batas militar umpisa sa January 1, 2018 hanggang December 31, 2018.

Nanindigan ang grupo ni Lagman na wala namang aktuwal na rebelyon sa Mindanao para ipatupad ng martial law extension.

Kasabay nito, inatasan ng Supreme Court ang mga partido sa kaso na magsumite ng kani-kanilang memorandum hanggang alas-5:00 ng hapon sa January 20, 2017.

Base sa batas, mayroong 30 araw ang SC mula sa paghahain ng petisyon para maglabas ng desisyon dito.

 

TAGS: marawi siege, Martial Law, Mindanao, Petition, Supreme Court, marawi siege, Martial Law, Mindanao, Petition, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.