Cellphone signal sa ilang lugar sa Maynila, naibalik na matapos ang Traslacion 2018

By Mariel Cruz January 10, 2018 - 08:44 AM

Inquirer file photo

Ibinalik na ang signal ng cellphone sa ilang lugar sa Maynila kung saan dumaan ng Traslacion ng Itim na Nazareno, batay na rin sa utos ng National Telecommunications Commission.

Sa abiso ng Globe Telecom Inc., nakasaad na “lifted” na ang utos ng NTC na pansamantalang pagpatay sa signal kasunod ng pagtatapos ng prusisyon na tumagal ng dalawampu’t dalawang oras.

Maaari na aniya muling magamit ng mga Globe subscribers ang kanilang serbisyo dahil “fully restored” na ang signal.

Samantala, wala pang inilalabas na advisory ang Smart Communications kaugnay sa naturang usapin.

Ang pansamantalang pagpatay sa mobile phone signals ay hiniling ng Philippine National Police sa NTC bilang bahagi ng security measures para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Umabot sa mahigit anim na milyong deboto ang lumahok sa makasaysayang Traslacion.

 

TAGS: Cellphone signal, Traslacion 2018, Cellphone signal, Traslacion 2018

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.