Ibuprofen pwedeng makabaog sa mga kalalakihan ayon sa isang pag-aaral

By Den Macaranas January 09, 2018 - 03:07 PM

Sinabi ng mga ekperto na nagdudulot ng pagkabaog sa hanay ng mga kalalakihan ang pag-inom ng gamot sa sakit ng ulo, ngipin o body pain na “Ibuprofen”.

Sa artikulo na inilabas ng Proceeding of the National Academy of Sciences ay kanilang sinabi na mas mataas ang porsiento na mabawasan ang fertility ng isang lalaki na regular na umiinom ng nasabing uri ng gamot.

Para sa mga middle-aged men, ang sobrang pag-inom ng Ibuprofen ay nagreresulta ng abnormal na hormonal condition na nagpapababa sa sperm count ng isang lalaki.

Nakalagay rin sa resulta ng pag-aaral na maari ring maapektuhan ang development ng “testicles” ng isang batang lalaki na nasa sinapupunan pa ng kanyang ina kung mapaparami ang inom nito ng Ibuprofen habang buntis.

Umapela naman ang grupo ng mga manufacturer ng mga over-the-counter medicines sa U.S na dapat pag-aralan ng husto ang nasabing findings bago ito isapubliko.

“The safety and efficacy of active ingredients in these products has been well documented and supported by decades of scientific study and real-world use”, ayon sa kanilang pahayag.

TAGS: fertility, ibuprofen, sperm count, fertility, ibuprofen, sperm count

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.