Pinangalanan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).
Si Commodore Elson Hermogino na ang magiging pinuno ngayon ng PCG at papalit kay officer-in-charge Commodore Joel Garcia.
Iniangat na rin niya sa rear admiral ang ranggo ni Hermogino, pati na ng tatlong iba pang opisyal na kinabibilangan nina Garcia, Rolando Legaspi at Leopoldo Laroya.
Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, suportado nila ang pagkakatalaga ni Hermogino bilang kanilang bagong pinuno.
Kahit sino naman aniyang itatalaga ng pangulo sa kanilang ahensya ay kanilang susuportahan.
Lubos din aniya ang pasasalamat ng mga opisyal at tauhan ng PCG sa pagbibigay ni Duterte ng pagkilala sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.