Palasyo, kayang depensahan sa SC ang martial law extension
Kumpyansa ang Malacañang na kaya nilang depensahan sa Korte Suprema ang legalidad ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ito’y matapos ang paghahain ng isa pang petisyon sa Korte Suprema na kumukwestyon sa isang taong martial law extension na pinayagan ng parehong kapulungan ng Kongreso.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naniniwala siyang kaya nila itong idepensa dahil inaprubahan ito ng Kamara at ng Senado dahil mayroon itong factual at legal basis.
Giit pa ni Roque, wala pa namang “documented cases of persecution” laban sa sinuman mula nang maipatupad ang martial law sa Mindanao noong Mayo 2017.
Kahapon ay naghain ng petisyon ang grupo ng mga party-list representatives dahil hindi anila sapat ang mga bagong inilatag na legal grounds para sa pagpapalawig ng martial law.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.