Mga ospital sa Metro Manila naka-full alert kaugnay sa Traslacion

By Alvin Barcelona January 08, 2018 - 05:48 PM

Inquirer file photo

Naglabas ang Department of Health ng abiso sa lahat ng deboto na makikiisa sa traslacion ng Black Nazarene bukas, araw ng Martes.

Ipinaalala ng DOH sa mga deboto na na hindi maganda ang pakiramdam na agad na humingi ng medikal na atensyon sa alinman sa 14 na medical team nila na naka-deploy sa ruta ng prusisyon.

Bukod sa grupo mula sa DOH, magde-deploy din ang ibang organisasyon ng medical team tulad ng Philippine Red Cross, Philippine National Police (PNP), Metropolitan Manila Development Authority at iba pang volunteer groups.

Kaugnay nito, sinabi ng DOH na mananatili silang naka code white alert para agad na maka-responde sa mga emergency.

Naka-monitor din 24/7 ang kanilang operation center at maglalagay din ang DOH-NCR regional health office ng communication post sa Quiapo.

Samantala, ipinaalala din ng DOH sa tinatayang 18-20 milyong deboto na magdala ng sapat na inuming tubig para maiwasan ang dehydration, magsuot ng mga kumportableng damit at sapatos at kapote o payong sakaling umulan.

Tiyakin din aniya na may panyo, sumbrero at pamaypay para pangontra sa matinding init sa labas.

Ang mga may medikasyon naman ay siguraduhin na dalhin ang kanilang gamot lalo na sa mga sakit tulad ng hika, alta presyon, diabetes at yung mga buntis.

TAGS: doh, manila, medical assistance, quiapo, white code, doh, manila, medical assistance, quiapo, white code

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.