War on drugs magiging “less bloody” ayon kay Dela Rosa
Pinaalalahanan ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa ang kanyang mga tauhan na irespeto ang human rights at gawing “less bloody” ang kampanya kontra sa iligal na droga.
Sa kanyang pagsasalita sa flag raising ceremony sa Camp Crame, sinabi ni Dela Rosa na malinaw ang naging atas ng pangulo na ituloy ang kampanya kontra droga pero dapat samahan ito ng mataas na pagkilala sa karapatang pantao ng bawat isa.
Muli ring binalaan ng opisyal ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga na tuloy ang kanyang gagawing pagtugis sa mga ito.
Ayon kay Dela Rosa, ang war on drugs at gagamitin rin kontra sa mga police scalawags na hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin sa kanilang hanay.
Dumalo rin sa ginanap na New Year’s Call ang mga asawa ng mga PNP officials na isang taunang event sa Camp Crame.
Nakiusap naman ang PNP Chief na huwag nang ipakita sa publiko ang mga asawa ng kanilang mga opisyal dahil sa isyung panseguridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.