Mas maraming Pinoy, naniniwalang mas maganda ang pamumuno ni Pang. Duterte kesa kay PNoy – SWS
Karamihan sa mga Pilipino ang naniniwala na mas maganda ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pilipinas, kumpara kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ito ay batay sa pinakabagong survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).
Ayon sa survey, 70 percent ang naniniwala na mas maayos ang performance ni Duterte kay Aquino.
8 percent naman sa mga respondents ang naniniwala na mas maayos si Aquino kay Duterte, habang 22 percent ang nagsabi na pareho lamang ang performances ng dalawang lider.
Isinagawa ng SWS ang survey noong December 8 hanggang 16, 2017, kung saan tinanong ang mga respondent na “Kung ikukumpara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula July 2016 sa pagkaganap ni dating Pangulong Aquino mula July 2010 hanggang July 2016, masasabi n’yo ba na PRRD is better, the same, PNoy is better?”
Nakatanggap si Duterte ng pinakamataas na approval sa mga respondent mula sa Metro Manila na 73 percent.
Nakuha din ni Aquino ang highest approval mula sa mga respondent sa Metro Manila na nasa 10 percent.
Samantala, iniulat din ng SWS na karamihan sa mga Filipino o 69 percent ang naniniwala na ang mga hakbang ni Duterte ay angkop sa kanyang posisyon bilang pangulo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.